Category: Call Center
Transcript: 2nd PH Presidential Debates UP Cebu – Partial Part 1
(Partial Audio Transcript)
Grace Poe: …namin ito. At matibay po ang Freedom of Information na pinasa namin sa senado. Ka-debate po natin diyan si Senator Miriam, si Senator Enrile at iba pang mga beterano sa Senado, ngunit napasa natin to.
Nagbibigay ito ng armas sa ating mga kababayan para mabusisi ang mga dokumento ng gobyerno para hindi na mangyari muli ‘yung nangyari sa PDAF.
Ngayon, kaya hindi ito nakapasa sapagkat hindi po ito pumasa sa Kongreso rin. At nangyari iyon sapagkat maski na sinasabi nila na ito’y prayoridad ng administrasyon, hindi po natin nararamdaman na tunay nila itong itinutulak.
Para sa akin, ayaw ko na lang sabihin kung sino dito ang haharang, pero sigurado ako na merong haharang sa mga kasama ko.
Luchi Cruz-Valdez: Nais ninyo po bang mag-react, Secretary Mar?
Mar Roxas: Ako ba iyong tinutukoy ‘nyo? [laughs]
Luchi Cruz-Valdez: Sa kanya…
Mar Roxas: Kabahagi po ako ng Daang Matuwid Koalisyon. Tama po iyong sinabi ni Senadora Grace, pumasa ito sa Senado pero hindi ito pumasa sa Kamara de Representante.
May mga mabibigat na dahilan kung bakit tinutulan ito ng mga Kongresista at ‘yan ay pinag-debatihan sa floor ng Kamara. May iba’t ibang bersyon na inihain subalit hindi ito naging matagumpay. [Ting]
Pag ako’y naging pangulo, ipapasa ko, isang matibay na FOI para malaman ng sambayanan kung ano ang nangyayari sa kanilang gobyerno.
Luchi Cruz-Valdez: Nang wala pong “Right of Reply”, Secretary Mar? Because natatandaan po namin sa isa pong forum ay nasabi niyo na dapat ay may kalakip na “Right of Reply”.
Mar Roxas: Hindi po, Luchi. Ang sinabi ko sa forum doon ay nireport ko sa iyo na ‘yan ang pagtutol ng mga miyembro ng mga Kamara de Representante. Hindi po ako…
Luchi Cruz-Valdez: …Pero kayo po ay hindi niyo gagawin reason?
Mar Roxas:…ang nagsa – ang naghain po nun.
Luchi Cruz-Valdez: Oho. Mayor Duterte, gusto niyo po bang mag-react tungkol doon sa sagot ni Senator?
Rodrigo Duterte: Yes, ma’am. A few days ago, I (ask) Senator Cayetano signed a waiver over Bank Secrecy Law. You can pry into what – what – ano pa bang maipakita ko sa inyo?
Freedom of Information actually is pera yan, na ninanakaw sa gobyerno kung saan napunta. [Ting]
Luchi Cruz-Valdez: VP Binay? Ang inyong reaksyon kung nais ninyo?
Jejomar Binay: Alam ho ninyo, napakatagal na nakabinbin sa Kongreso itong FOI na ito eh. Ako ho, pagka naging pangulo, sa lalong madaling panahon mag-iissue po ako ng Executive Order doon po yung Freedom of Information. [Crowd cheers]
Luchi Cruz-Valdez: Sentor Poe, nais niyo po bang sumagot? Sa…
Grace Poe: (May) maganda sana pakinggan iyon subalit mawalang galang na po VP Binay, marami po kaming mga katanungan sa inyo na hindi naman din ninyo nasasagot sa Senado. Paano naman kami maniniwala na susuportahan ninyo ang tunay na Freedom of Information? [crowd cheers]
Jejomar Binay: Alam mo Senadora, lagi ho kayong dapat magbibigay ng – magtiwala po kayo. Uulitin ko po, ako man of action ako eh. Kaya ho ako na-mahal sa Makati kasi lahat ng pinapangako ko nangyayari.
Pangako ko po, pangako ko po, sa lalong madaling panahon pagkasumpa ko bilang pangulo, palalabasin [Ting] ko po ang Freedom of Information.
Grace Poe: Ms. Luchi, nasa kalidad po ng Freedom of Information. Pwede tayong magpasa ng Freedom of Information, pero malabnaw. Ang gusto ko ang bersyon namin, sapagkat nakalagay doon mismo pati yung sa Statement of Assets and Liabilities ng mga Barangay Chairman. Importante po na lahat mula sa ibaba hanggang itaas ay may pananagutan sa ating bansa.
Luchi Cruz-Valdez: Mayor?
Jejomar Binay: Alam ho ninyo, Luchi, kailangan ho itong Freedom of Information. Ito ho ang sagot sa graft and corruption eh, transparency. Huwag na ho nating idaan yang mga deba-debate pa o ano.
FOI, Freedom of Information sa Executive Department mai-implement ko po iyan.
Luchi Cruz-Valdez: Senator Poe, gusto nyo bang munang sagutin ang reaksyon na iyan?
Grace Poe: So, gusto po ba ninyo mag-sign ngayon ng bank waiver sa inyong mga accounts?
Jejomar Binay: Aba! Ako nga ho, eh – eto nga, isasa-dokumento kong – dokumento ko ho’ng daladala dito eh. Pinirmahan ko na ho eto. Yayakagin ko kayong tatlo na pirmihan natin ho. Waiver ho, yong AMLA, na tayo ho ay imbestigahin.
Grace Poe: Tama.
Jejomar Binay: Para makita ho, ‘yung mga lifestyle [Ting] at saka ‘yung executive performance natin. [Crowd Cheers]
Luchi Cruz-Valdez: Mayor Duterte.
Rodrigo Duterte: We signed a waiver to – we waiver our rights so that anybody can – I said look into bank accounts.
Luchi Cruz-Valdez: Kayo rin po?
Rodrigo Duterte: If I were the president, day one, I will ask everybody to cooperate. And I just a – nandyan na ‘yung waiver mo, Vice President? Andiyan na ‘yung waiver mo?
Jejomar Binay: Oo. Nandito na…[Ting]
Rodrigo Duterte: Natakot ka…
Jejomar Binay: …yun na nga kaya ko gusto may dokumento ipiprisinta eh.
Rodrigo Duterte: Natatakot lagi. Ako, pipirmahan ko dyan sa harap mo. [Crowd cheers]
Jejomar Binay: Saglit lang ha. Saglit lang.
Luchi Cruz-Valdez: Ah, with all due respect po sa inyo, Mr. VP, the Comelec has ruled. And we would like to abide by the rules of the Comelec that there will be no notes allowed during this debate. Mawalang galang na po. [crowd reacts]
Jejomar Binay: Eto ay…
Luchi Cruz-Valdez: Ako po ay nag – humihingi ng paumanhin, publicly, sa – kay Mr. Vice President, kasi po kami po ang nagbigay pahintulot po sa kanila na magdala ng notes. Yan rin po ang dahilan kung bakit po naantala po ang pagsisimula nitong debateng ito. Pero sa puntong eto po, Mr. Vice President, with all due respect, I have to tell you, we will abide by the Comelec rules that there will be no notes during this debate. [crowd claps]
Jejomar Binay: Ah, Luchi, hinihingi ni – hinihingi ni Mayor Duterte eh.
Luchi Cruz-Valdez: With the permission of our…
Jejomar Binay: Oh, di ibibigay ko lang sa kanya.
Rodrigo Duterte: Tayong dalawa na lang.
Luchi Cruz-Valdez: Pinapakita lang daw…
Mar Roxas: Sundin…
Luchi Cruz-Valdez: …po ang waiver.
Mar Roxas: Palagay ko sundin na lang natin ang Comelec. Yan ang patakaran, hindi ba? Kung meron…
Jejomar Binay: Hindi.
Mar Roxas: Kung ang bawat isa sa atin ay nais pumirma ng kahit anong waiver, matapos eto, ay sa labas po, pwede natin ipakita kung anong waiver ang pipirmahan natin. [crowd cheers]
Luchi Cruz-Valdez: Point well, taken. Mr. VP – Mr. VP…
Jejomar Binay: Oh, basta’t ang…
Luchi Cruz-Valdez: …we will take you at your word right now or not, it’s up to our audience. But we cannot allow the notes. Please respectfully, we have to tell you.
Jejomar Binay: Excuse me. It’s not a note. It’s a document.
Luchi Cruz-Valdez: Even the document, sir.
Jejomar Binay: Excuse me.
Luchi Cruz-Valdez: Because, what the Comelec rules, do not allow for the document.
Jejomar Binay: You know, when you say notes, something which you are reading. But after all, Mayor Duterte, you may have the rights.
Rodrigo Duterte: You give it to me, and I will sign it.
Jejomar Binay: Ilalabas ko lang. Saglit lang.
Luchi Cruz-Valdez: Pinapahintulutan po ni Mayor Duterte…
Mar Roxas: If I may?
Luchi Cruz-Valdez: …na ipakita ni…
Rodrigo Duterte: I’d like to be very, very, brutally frank to the Vice President. Sir, marami kang kaso sa COA pati sa Ombudsman. [crowd reacts] Ay hindi, pang public knowledge naman yan eh. At ako naman ay sinasabi nung una na, there’s a technical malversation. Ang tanong ko – and if you can produce even – [Ting] may I have extension? [crowd laughs]
Luchi Cruz-Valdez: Sige po, sir.
Rodrigo Duterte: Yes, no extension? Pirmahan namin yan, tapos kung may kaso ako, we will withdraw from the Presidency Derby.
Jejomar Binay: Alam mo…
Luchi Cruz-Valdez: Maraming salamat po, Mayor Duterte. Sagot niyo po, Mr. VP?
Jejomar Binay: Alam mo ‘yung sinabi mo Digong, eh magwithdraw sa Presidency, ha. Eh, kaso ang premise mo e, yung may kasalanan, magwithdraw.
Rodrigo Duterte: Ay hindi, hindi. Eto po…
Jejomar Binay: Ako – ako…
Rodrigo Duterte: Kaso wala man tayo kasalanan.
Jejomar Binay: …hindi ako nagnakaw. Wala akong kwan. So? Bakit ako magwiwithdraw, ha? Kung ikaw, sa konsensya mo may kasalanan ka, oh di magwithraw ka. [Ting]
Rodrigo Duterte: Oh, hindi kaya dahil malaki na ang gastos mo. [crowd laughs]
Luchi Cruz-Valdez: Maraming salamat po. Tayo po ay tutungo na po sa susunod na tanong. Ang susunod na katanungan ay mula kay Lourd de Veyra. Lourd?
Lourd de Veyra: Ang tanong ko po ay para kay Vice President Binay.
Sir, kayo po ay pinasasampahan ng Ombudsman ng mga kasong kriminal. Ang inyong anak na si Junjun ay nasampahan na po. Kung tutuusin kasi pareho lang kayo po ng kaso. Ang kaibahan nyo lang po, kayo po ay may immunity.
Kung sakaling ma-convict po si Junjun Binay, kung kayo po ay pangulo na, ano po ang gagawin ninyo, sir?
Jejomar Binay: Mabuti at nabanggit mo ‘yung bahagi ng convict, ano ha. Eh, ‘yun eh, hanggang ngayon nandoon parin sa stage ng bintang, Lourds, ha? Pagka na-convict, o di parusahan. Eh, ‘yon ang conviction, eh.
Kaya lang ‘yung bintang hindi ho ‘yun ang conviction. Kailangan ho para maging totoo – alam mo, Lourds, pagka sinabi kong, “Lourds, ikaw ay corrupt.” bintang ‘yun. Para masabing ikaw ay corrupt, kailangang may hatol ang hukuman na ikaw ay corrupt. Okay?
So, uulitin ko sa iyo, ah. At ako naman ay abogado rin, sa Diyos at sa tao, walang kasalanan ang anak ko. Pero, kung anuman ang desisyon, susundin natin. We must be a government with a rule of law. [crowd cheers]
Luchi Cruz-Valdez: Meron po – meron po bang gustong mag-react sa naging sagot ni VP Binay sa kanyang katanungan?
Rodrigo Duterte: It’s a sad story. I am on – I’m on verge of tears. I will not answer.
Luchi Cruz-Valdez: Ang tanong po…
Rodrigo Duterte: Basta anak ang pinag-usapan.
Luchi Cruz-Valdez: …sa inyo, sir…
Grace Poe: Okay. Ito na lang, Ms. Luchi, siguro ay ito. Rule of law. Pero meron din tayong mga rules ngayon na dapat ay sinunod. Siguro maganda sanang pahiwatig ang paggalang din sa batas at paggalang rin sa mga naging regulasyon ng pag-debate na ito.
Bigyan na natin ng benefit of the doubt ang ating mayor. Siguro nga mali ang nasabi ninyo sa kanya. Pero para sa akin, [Ting] importante na sana nakadalo siya sa senado para mag-eksplika rin ng kanyang punto kung wala naman talagang tinatago.
Ayan, ang pagiging – ang pagiging malayo sa bayan ay nakakapag – nakakapangungila pa nga. Sinasabi mo, [Ting] ikaw number one na nagsasabi na pinoprotektahan mo ang mga OFW, tapos sasabihin mo na ang isang nakatira sa ibang bansa ay hindi na pwedeng bumalik dito para manilbilhan?
Jejomar Binay: Madame Senator, hindi ho kayo OFW.
Grace Poe: Hindi ko sinasabing ako ang OFW…
Jejomar Binay: Ang sinasabi ko lamang ho…
Grace Poe: …pero sinasabi ko nanirahan sa ibang bansa. Ngayon, ang mga Pilipinong nanirahan sa ibang bansa, bumabalik dito para manilbihan, hindi na ba sila pwede? Bakit tayo nagpasa ng isang – ng batas na 9225 na sinasabi mo rule of law? Hindi ba rule of law din yan?
Jejomar Binay: Madame Senator…
Grace Poe: Alam nyo, Mayor Binay…
Jejomar Binay: …ang sinasabi…
Grace Poe: …hindi lang po sa kulay ‘yan…
Jejomar Binay: …hindi ho…
Grace Poe: …nasa pagmamahal. Nandito ka nga nakatira sa bansa, pero nangulimbat ka naman ng pera. [crowd reacts]
Jejomar Binay: Kita mo? Ikaw, sama-sama kayo, eh, sa conspiracy…
Grace Poe: Sama-sama saan?
Jejomar Binay: …sa conspiracy…
Grace Poe: Conspiracy?
Jejomar Binay: …to demolish by (per)…
Grace Poe: Kami ang walang pera, wala kaming makinarya.
Jejomar Binay: Pwede ba’t ako rin naman ang magsalita?
Grace Poe: Ikaw may pera, ikaw may makinarya…
Jejomar Binay: Basta’t ikaw, hindi ka tunay na Pilipino kasi ikinahiya…
Grace Poe: O, hindi bale.
Jejomar Binay: …mo. Ikinahiya mo, sinabi mo sa – when you took your Oath of Allegiance for you to be naturalized as an American citizen, “I abjure”, “Ikinahihiya ko ang pinanggalingan ko”. [Ting]
Grace Poe: Mayor Binay, ikaw mismo ang nandito nung bumalik ako dahil namayapa ang aking tatay. Ang administrasyon ay laban sa amin pero ako ay bumalik dito. Tinatayang higit sampung milyong mga Pilipino ang nakatira sa ibang bansa at marami doon ay may dual citizenship. Hindi nila kinahihiya ang kanilang bansa, pero gusto nilang mabuhay nang marangal at hindi manatili dito [Ting] na walang oportunidad.
Kaya ako tumatakbo para magkaroon ng oportunidad at hindi manatili dito kahit walang oportunidad at magnakaw lamang.
Jejomar Binay: Ang isyu – ang isyu, ikaw ba eh, tunay na Pilipino? Ikinahiya mo nga. Ikinahiya mo – ladies and gentlemen, ‘yung Oath of Allegiance, nandoon ang “I abjure”. And what is the meaning of abjure?
Grace Poe: Alam nyo, Mayor Binay…
Jejomar Binay: Ikinahihiya ko ang lahat ng pinanggalingan ko. Ikihinahihiya ko ‘yung pagka-Pilipino ko.
Grace Poe: Eh Mayor, Mayor. Teka muna.
Jejomar Binay: Teka muna, ako muna ang magsasa…
Grace Poe: Para sabihin mo sa akin…
Jejomar Binay: Ako muna magsasalita.
Grace Poe: …bakit…
Jejomar Binay: …ako muna magsasalita…
Grace Poe: …bakit, bakit (si Teddy din)?
Jejomar Binay: …hindi ako muna…
Grace Poe: Alam mo kung naiinisulto ka…
Jejomar Binay: …hindi ako muna. Ako muna…
Grace Poe: … unang muna…
Luchi Cruz-Valdez: Mr. VP.
Grace Poe: …9225…
Luchi Cruz-Valdez: Senator Poe…
Grace Poe: … ipinasa..
Luchi Cruz-Valdez: …I think nasagot na po…
Grace Poe: …wala po sa itsura yan…
Luchi Cruz-Valdez: …ng sapat ang…
Grace Poe: ..nasa paninilbihan…
Luchi Cruz-Valdez:…ang mga katananungan…
Grace Poe:…mga kababayan.
Luchi Cruz-Valdez:…at mga reaksyon.
Grace Poe: Nanatili ka nga sa bayan natin, pero ikaw naman ay nangulimbat at nagnakaw. Anong kaibahan nun? Malaki ang kaibahan. Nanirahan ka sa ibang bansa hindi lang yan OFW. Overseas Fighting Filipino Workers or Overseas Fighting Filipinos.
Jejomar Binay: Madame Senator, kung magbintang ka parang ako’y nahatulan na eh…
Grace Poe: Ikaw ba ang sinabi ko nangungulimbat?
Jejomar Binay: (Sinasabit mo na naman ako).
Grace Poe: Sinabi ko lang naman.
Sinabi ko lang naman. Ikaw ang nagsabi…
Luchi Cruz-Valdez: Ititigil na po natin dito.
Grace Poe: …na ako…
Luchi Cruz-Valdez: Mawalang galang na po.
Grace Poe: …ay kinahihiya ko…
Luchi Cruz-Valdez: Senator Poe…
Grace Poe: …ang pagiging Pilipino.
Luchi Cruz-Valdez: I think we have…
Grace Poe: Ang sinasabi ko, mas mabuti na ikaw ay umalis, nagtrabaho ng tapat, kesa naman nanatili ka dito, umasa sa mga magulang mo at nangulimbat lamang ng pera.
Luchi Cruz-Valdez: All right.
Grace Poe: Hindi ko sinasabing kayo ‘yun dahil naniniwala ako sa due process. Pakinggan natin po ang inyong kaso.
Jejomar Binay: “I hereby declare on oath, that I absolutely and entirely renounce and abjure all allegiance…”
Luchi Cruz-Valdez: Mr. V.P…
Jejomar Binay: …and fidelity…
Luchi Cruz-Valdez: …mawalang galang na po Mr. VP bawal po talaga ang notes.
Jejomar Binay: Okay.
Luchi Cruz-Valdez: I would have to warn you.
Jejomar Binay: Basta…
Luchi Cruz-Valdez: We will have to move on to the next question because there are questions for the other candidates. The next question please.
Rodrigo Duterte: Huwag na lang ninyo akong isali. Ibigay mo na lang sa kanya.
Mar Roxas: Okay, okay. Enjoy ito mataas ang – mataas ang rating ninyo rito.
Luchi Cruz-Valdez: Amy?
Amy Pamintuan: Ang tanong ko po ay para kay Mayor Duterte. Medyo lumayo po tayo sandali sa maninit na topic. Nag-commit po ang Pilipinas sa United Nations, na babawasan natin ang polusyon na hanggang 70% by 2030. Pero inaprobahan ni Pangulong Aquino ang maraming coal-fired plants para sa energy security natin.
Paano natin matutupad ang ating commitments sa UN habang tumataas naman ang dependence natin sa coal para sa ating energy security?
Rodrigo Duterte: I will answer you with this. Tayo ma’am, we are told to comply but the industrial countries does not. We only contribute .00-something to the foot – carbon footprint in this planet.
Sila hindi (in blank) – sila ang ayaw eh. Tayo – they bamboozle us to obey. It’s not fair. I’m not saying that coal is right but I’m just saying itong United Nations and industrialized countries are really hypocrites.
Gusto nila – di bayaran nila tayo or they supply us with hydro, solar. Mahal yan. Ngayon kung idinadamay nila tayo at sila naman ayaw maniwala, and yet itong United Nations hypocrisy because they cannot enforce sanctions against those who are violating. Every – every (bidders) sprouting up so many coal-fired power plants. We only contribute I said to the footprints – carbon footprints so very little. And yet we are a growing country we need to industrialize, we need energy.
Ang sabi ko, susunod tayo. But, you know, even climate change. Climate change does not have to be discussed. It is here. El niño is the climate change. Kaya ngayon mga lupa mo maski saan saan, they’re cracking up even in Luzon. That’s pollution.
Yung climate change is already there. So what we should do, is to do remedial measures pero huwag lang tayo. Because we have noticed that those who are really into heavy industries are the first world countries. That is my objection to them. [crowd cheers]
Luchi Cruz-Valdez: Secretary Mar.
Rodrigo Duterte: It’s pure hypocrisy. Ina-ano tayo tapos – they come here and (nag-yaw yaw) about and yet they cannot even suggest to their own government to stop it. [Ting] Bale, sobra na yan.
Luchi Cruz-Valdez: Ang unang bell po ay ten second mark.
Rodrigo Duterte: (Bigyan).
Luchi Cruz-Valdez: So you have ten more seconds after the first bell. Secretary Mar, you would like to react? Did you want to react?
Mar Roxas: Napakahalaga na simulan natin ang transition towards clean energy dahil tayo isa sa pinakatinatamaan ng epekto ng global warming. Lahat itong mga bagyo, dalawanpu – dalawanpung-lima sa bawat taon na humahampas sa ating bansa, na naghahatid [Ting] ng hirap, ng pagsalanta, ng crops, mga bahay, lahat yan ay dahil dito sa global warming. Importante na simulan [Bell] natin ang pagtungo sa clean energy.
Luchi Cruz-Valdez: Si Mayor Rodrigo po muna ang sasagot.
Rodrigo Duterte: Yes, ganito yan ma’am. Al Gore came here, talked about the environment, climate change. Bakit hindi niya makumbinse yung bansa niya? And why they cannot go to China and say stop it? Why are they coming here, telling us what to do, when as a matter of fact we need energy to develop. We are just a developing nation. [Ting]
Grace Poe: Ms. Luchi, ay sa tingin ko una natin dapat gawin ay ilikas ang 30,000,600 ng mga residente doon sa mga high risk areas. Yun ang una, prevention.
Pangalawa, isipin natin ang mga magsasaka natin. Tama ang sinabi ni Mayor Duterte, drout ngayon. Kailangan natin ang drout resistant ng mga pananim para naman patuloy ang buhay nila. [Ting] Kailangan tayo magkaroon ng mga dams, ng mga water entrapment facilities, mga flood control projects, para naman maligtas natin ang atin mga kababayan. [Bell]
Mar Roxas: Luchi.
Luchi Cruz-Valdez: Secretary Mar.
Mar Roxas: Lahat itong mga bagay na sinabi ni Senadora Grace ay mitigation. Kumbaga, papano mabawasan ang impact sa atin. Ang punto dito ay nangangailangan tayo ng energy. Pag ako’y naging pangulo, bibigyan ko ng insintiba yung natural gas. Yung mga iba pang clean energy, tulad ng geo, tulad ng hydro para yung ating energy mix, which [Ting] right now is 50% coal and oil ay mabawasan. Nang sa ganun, mas maraming malinis na energy ang gagamitin natin.
Grace Poe: Dahil nabanggit niya ang aking pangalan, ako’y nananiwala sa sinabi niya, subalit, kailangan maayos din ang ating plano. Yung ating solar energy ay importante. Ang wind energy, malaki ang potential. Nasa 70,000 megawatts ang madadagdag pati na rin ang hydro na at least 30,000 megawatts sa Mindanao pa lamang. Pero dapat mabilis rin ang pagkilos ng isang leader. [Ting] Hindi pwedeng plano lamang.
Luchi Cruz-Valdez: (Do you think)…
Mar Roxas: Ang importante rito, Luchi ay itong mga insentiba na ito. Ang nabanggit po na mga energy sources nasabi tulad ng solar at ng wind ay nasa 8-8.50 per kilowatt hour. Yung natural gas ay nasa Php3.50, Php3.80 hanggang Php 4.00 per kilowatt hour. Hindi natin gusto na maging masyadong mahal ang ating kuryente [Ting] dahil papano naman ang mga trabaho na malilikha sa ating industrialization.
Luchi Cruz-Valdez: The VP would like to give his reaction.
Jejomar Binay: Masarap pong pakinggan ang sinasabi ni Mr. Roxas, “Kapag ako ang pangulo, ganito ang gagawin ko…” Ito panahon ng mga pangako, magaganda ang sasabihin. Kaya lang may kapabilidad ba na magiging mabilis at mangyayari ba? Eh, Mr. Roxas, guilty of analysis [Ting] by paralysis – can never make a decision right away. [crowd claps]
Mar Roxas: Wala ho – talaga ho mabagal ho ako gumalaw at hindi ako gumagalaw ‘pag nanakaw ang pinaguusapan. Hindi po ako magnanakaw. Ang importante po sa aking mga panunungkulan, kumilos po tayo ng maagap, ng mabilis at epektibo. Yung mga (threats)…
Jejomar Binay: Mr. Roxas.
Mar Roxas: Excuse me – may accomplishment at makatulong sa ating mga kababayan. [Bell]
Jejomar Binay: Mr. Roxas, tinuturo ka ni Mr. Vitangcol. Nagnakaw ka doon sa MRT, ano ba?