Una, MNLF. Sunod, MILF. Ngayon, BIFF.

Umbra Kato BIFF. From PinoyweeklyNoong Sabado ng gabi, ayon sa report ng military, inatake ang ng sabay sabay ang mga sundalo sa maguindanao at North Cotabato ng mga 100 na rebelled. Limang sundalo at 18 na rebelde ang patay.

Nangyari itong pag-atake dalawang araw bago mag-usap ulit ang mga representatives ng pamahalaan ng Pilipipinas at ng Moro Islamic Liberation Front sa Kuala Lumpur para ipagpatuloy ang naantalang peace talks para sa Mindanao.

Ang mga umatake daw sa mga sundalo ay miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Ano naman itong BIFF?

Ayun din sa military, ang lider ng BIFF ay si Ameril Umbra Kato, dating miyembro ng MILF, na hindi raw sumasangyon sa mga pinagkakasunduan ng MILF at ng pamahalaang Aquino.

Paano na lang mangyari kung magkaroon ng kasunduan ang MILF at ang pamahalaang Aquino at hindi pala kasama lahat na rebeldeng Muslim.

Maala-ala natin ng noong panahon ni Ferdinand Marcos, ang grupo ng mga rebeldeng Muslim ay Moro National Liberation Front sa pamumuno ni Nur Misuari. Itinatag ito noong 1969 at ang kanilang layunin ay tumiwalag sa Pilipinas at magkaroon ng sariling bansa, ang Bangsamoro.

Maraming buhay ang nalagas sa giyera sa Mindanao. Suportado ng mga Muslim na bansa ang MNLF katulad ng Libya at Malaysia. Miyembro ng Organization of Islamic Conference ang MNLF.

Para mahinto ang away sa Mindanao, nagkaroon ng kasunduan, ang Tripoli Agreement, na ang nag-broker ay si Muamma Khadafy, ang dating lider ng Libya.

Sa kasunduan, sinabi magkakaroon ng autonomy (magkaroon sila ng sarili nilang pamahalaan sa maraming aspeto maliban sa military at foreign affairs) sa 13 na probinsiya at siyam na lungsod sa Mindanao, aabot pa nga ng Palawan ayon sa Constitution.

Siyempre kapag sinabi na ayon sa Constitution, dadaan sa referendum at papipilin ang taumbayan. Umalma sina Misuari dahil hindi daw ganun ang kasunduan. Akala niya basta na lang ibigay sa pamumuno niya an 13 na probinsiya at siyam na lunsod kasama doon ang Zamboanga, Cotabato at Palawan kung saan maraming hindi naman Muslim ang nakatira.

Kaya patuloy ang away sa Mindanao hanggang nagka-usap ulit ang MNLF at pamahalaan na nauwi sa pagtatag ng Autonomous Region for Muslim Mindanao noong 1990. Limang probinsya lang ang sumali: Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao,Sulu at Tawi-tawi.

Ngunit hindi rin nakamtan ang kapayapaan sa Mindanao dahil marami rin ang hindi sang-ayon sa kasunduan na pinasok ni Misuari kaya nabuo ang MILF. Heto na naman: nag-uusap ang pamahalaan sa MILF, at may tumiwalag na naman at nagbuo ng BIFF.

Hindi rin kasali sa usapan sa MILF ang problema ng Sultanate of Sulu sa Sabah dahil ang broker ay Malaysia. Siyempre hindi papayag ang Malaysia na maalis sa kanila ang Sabah.

Wala na bang katapusang breakaway groups itong gulo sa Mindanao?