Ina, Kapatid, Anak

An engaging telenobela

Siyempre, lahat nakatutok sa “Ina, Kapatid, Anak” sa ABS-CBN noong Lunes ng gabi dahil yun ang gabi ng konprontasyun. Walang tawag sa telepono at sa cellphone.

Hindi naman nadismaya ang fans nitong telenobela. Magaling talaga ang mga artista. Para sa akin gabi yun ni Janice de Belen, bilang Beatriz. Yung mukha niya nang sinabi sa kanya ni Julio (Ariel Rivera) na anak nila si Celyn (Kim Chiu, ang galing. Walang salita. Mata ang nag-acting. Hindi OA. Simple lang.

Yun ang magaling na acting. Nakakabilib sa Pilipino.

Lahat naman sila doon magaling lalo pa sina Cherry Pie Picache, Ariel Rivera, Ronaldo Valdez at Pilar Pilapil. Malaki siguro ang impluwensya ng mga beteranong artista sa mga batang artista kasi gumagaling na rin sina Kim Chiu at Maja Salvador. Ang mga lalaki, sina Enchong Dee at Xian Lim, kailangan pang mahasa.

Magaling din itong si Jason Gainza sa supporting role na Oscar. Nakakabilib itong si Jason, dating OFW sa Saudi Arabia, na pumasok sa pelikula sa pamamagitan ng reality TV show na Pinoy Big Brother. Second placer siya. Nagpapatunay lang na kahit hindi na mananalo sa isang contest, pwede ka ring manalo sa ibang larangan. Kailangan direksyun at sinseridad sa kung ano man ang ginagawa.

Pero para sa akin, ang credit dapat ay sa mga writers na sina Danica Domingo,David Diuco,Reggie Amigo at direksyun nina Don M. Cuaresma at Jojo A. Saguin. Maganda ang pagdevelop ng conflict ng istorya. Hindi pilit at hindi nakaka-insulto katulad sa nangyari sa “Princess and I” na talaga namang pilit na pilit nang pinapaliko ang istorya para lang maitulak nila ang love team nitong si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Maganda ang roles nila Ronaldo Valdez at Pilar Pilapil bilang mga nakakatanda na patuloy na gumigiya sa mga anak. Okay na rin siguro si Eddie Gutierrez (Dios ko, sino ba naman ang gumawa ng mukha niya. Parang embalsamado) dahil bilang kontrabida, nakaka-imbyerna siya.

Ang maganda pa sa “ Ina,Kapatid, Anak” ay ang konprontasyun noong Lunes na episode ay hindi pa ending. Sabi nga ng mga artista sa kanilang TV interviews, umpisa na naman ito ng bagong kabanata sa mga buhay ng mga karakter. Paano tatanggapin ni Margaux si Celyn bilang kapatid?Paano naman i-develop ang istorya para sa paglabas ng katotohanan na magkapatid (magkakambal) pala talaga ang dalawa. Maganda ang ginawa ng direktor na ngayon pa lang nagpapakita na ang dalawa (sina Celyn at Margaux) ng parehong mannerism – ang paglagay ng kamay sa bibig kapag nati—tense.

Dahil patok naman ang telenobela, sana naman huwag na sirain ng ABS-CBN sa kanilang pekeng isyu na conflict ni Kim Chiu at Maja Salvador dahil kay Gerald Anderson. Tigilan na yan at halatang contrived.

Mamayang gabi ulit. Pampa-alis ng stress pagkatapos ng buong araw na nakaka-bahala balita tungkol sa krimen at nakaka-imbyerna na away ng mga pulitiko at pagwawaldas ng pera ng taumbayan.

Hindi happy ang mamamayan sa ginawa ni Enrile

Note: Enrile’s statement at the end column

JPE

May mga sitwasyun na kailangan mo ang mga katulad ni Sen. Miriam Santiago na magsasabi ng gusto mo sabihin ngunit hindi mo masasabi.

Mabuti naman at umalma si Santiago tungkol sa pamumudmud ni Senate President Juan Ponce-Enrile ng P1.6 milyon sa 18 na senador maliban sa apat na hindi niya kursunada.

Miriam

Ang apat na senador hindi niya kursunada ay sina Santiago, Antonio Trillanes IV, Allan Cayetano, Pia Cayetano. P250,000 lang ang binigay niya sa apat.

Ang pera ay savings daw ng Senado. Ipinasok ni Enrile ang P1.6 milyon bilang dagdag sa “Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE)” ng mga senador.

Nang mabulgar ang bigayan na binatikos ng marami sa media, lalo na sa Facebook, pinanindigan ni Enrile na legal daw ang ginawa niya at hindi raw suhol sa mga senador ang P1.6 milyon para hindi siya tanggalin sa pagka-Senate President.

Walang personalan daw.

Ngunit nang tanungin kung bakit P250,000 lang ang binigay sa apat na senador, ang sagot lang niya ay karapatan daw niya bilang Senate President magdesisyun kung magkano ang ibibigay sa bawat senador.

Haaaaaa?

Bakit pera ba niya ang pinamumudmud niya at magdedepended ang halaga ng allotment sa MOOE depended kung sino ang kursunada niya? Bakit sa batas ba namimili kung sino ang bibigyan ng malaki at maliit na halaga?

Sabi ni Santiago: “It involves a constitutional provision, mahirap palang maipatupad ang Saligang Batas sa mga taong akala mo sila ang may-ari ng taumbayan.”

“Hinati-hati nila sa sarili nila tapos exempted kami. I don’t know what his criteria are. Ano kaya ang criteria nila, apat kami. Criteria ba nila beauty or sex appeal,” dagdag pa ni Santiago.

Hindi naman sekreto na nakibangayan sa ilang isyu katulad ng RH Bill sina Santiago at ang magkapatid na Cayetano. Si Trillanes naman, ibinulgar niya ang papel ni Enrile tungkol sa paghati-hati ng Catanduanes.

Sa mga nababasa sa Facebook,maraming hindi happy sa ginawa ni Enrile:

Sabi ni Al Santaclara :”Ano ba talaga? Gift o bribe o MOOE (monthly operating expenses daw). Kung gift, dapat galing sa bulsa ni Enrile. Taxable pa ito kung ganoon dahil maclaim pa ni Enrile na expenses!

“Hindi daw bribe sabi ni Enrile. Sinong senator ang aamin eh sabi ni Enrile ‘f a senator calls it a bribe, then that senator has a low opinion of the other senators’ (pinag-away pa mga senators!). Kung MOOE, eh bakit hindi pantay. Ibig sabihin, konti lang ang gastos (monthly operating expenses) nung apat na senator. With too many justifications, usually, something is rotten and the truth is hidden somewhere.”

Sabi naman ni Marvin Pador: Sa dami ng crisis na nangyayari sa bansa po ngayon maraming Pinoy ang nai-ingit kasi sa buong buhay nila puro kahirapan lang ang dinaranas nila.Kayo po sanang namumuno ay maging sensitive sa damdamin naming naghihirap. kung wala kami wala din kayong lahat diyan.Sana magbago na ang pamamalakad sa Pilipinas.”

Sabi ni Lito Bacera: “ Kung ito ay karagdagang pondo para sa mga infrastructure o proyekto para sa mamayan. wala akong nakitang masama, pero kung ito ay ibinulsa, aba aba,ibang usapan na yan.

Press statement of Senate President Juan Ponce-Enrile:

Re: PDI Article of Jan. 9, 2013 entitled “Enrile gave 18 senators P1.6M each for Christmas” with sub-heading: “But only P250K each to 4 others”
_____________________________________________________________________________________

It is unfortunate that the Inquirer either refused to reveal or was requested by the Senators that its reporters interviewed to hide their identities, in relation to their statements on the issue of the additional MOOE of P1.6M I allegedly gave as “cash gifts” to 18 Senators.

To set the record straight:

1. While it is true that the vacant seat of one Senator is a source of additional funds for the Senate, the budget for that seat is not the only source of the Senate’s savings. As agreed in the past with all the Senators, the savings from the vacant seat may be used for the other expenditures and requirements of the Senate, including the augmentation of the budgets of the Senators serving their terms.

2. Hence, towards the end of each year and before the holidays, the Senate Secretariat and the Senate’s budget office makes a determination of how much savings we have generated and how to allocate available savings, including the Christmas package for the Senate employees, what is due under the Collective Negotiation Agreement with the employees union (S.E.N.A.D.O), and what may be available for distribution as additional MOOE to the Senators’ offices.

3. Since I became Senate President in November of 2008, I have always prioritized the needs of our employees before determining and exercising my discretion on the utilization of the remaining available savings. The records will show that since I became Senate President, I have granted the maximum benefits to our employees as our budgetary savings allow each year.

4. Also as Senate President, I have authorized the grant to ALL Senators of the following amounts per Senator’s office as additional MOOE (Maintenance and Other Operating Expenses): For 2008-1M (former Senate President Villar had earlier released a separate amount of P500,000); for 2009- 1M; for 2010- P1.316M; P318,000; for 2011- P500,000, P1.3M, and P318,000.

5. All the Senators, including those now complaining or calling it “unconscionable” and “unconstitutional” received these amounts. Yet they never said anything nor questioned it before.

6. For year-end of 2012, the Senate budget office advised me that after all our obligations and projected expenses, the available amount for the additional MOOE for the Senators was a total of P2.218M for each Senator. The 1st tranche of this was in the amount of P600,000 and ALL THE 23 SENATORS’ OFFICES RECEIVED THE P600,000 additional MOOE last November.

7. The balance was divided into 2 tranches of P1.3M and P318,000 in addition to the first P600,000, and these 2 tranches were approved by me for release before the Christmas holiday break, EXCEPT TO MYSELF AND 4 OTHER SENATORS, NAMELY, SENATORS ALAN CAYETANO, PIA CAYETANO, ANTONIO TRILLANES AND MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO.

8. I confirm that I gave the instructions to my Chief of Staff to exclude me and the 4 other Senators in the succeeding releases of any further additional MOOE. I also confirm that, as requested by the Senate Budget office, I approved the use of the amounts that I waived and those that I did not authorize to be released to the 4 Senators to be used by the Senate for its other expenditures. This is all on record.

It is not true that the 4 Senators did not get any additional MOOE. They each got P600,000. On top of that, I have approved ALL their requests for cash advances, realignment of various items in their respective Senator’s, Committee and Oversight Committee budgets to their MOOE so that they could use the same and any savings therefrom.

Any additional MOOE approved by the Senate President for each Senator is not a matter of ENTITLEMENT. Neither should such be mistaken as taken from the Senate President’s DISCRETIONARY FUNDS. The expenditures charged to the OSP’s discretionary funds are properly documented and I have made the same available even for the contingencies of the Secretariat and the needs of some Committees and Senators, as they would request from time to time.

While it is said to be purely discretionary on the part of the Senate President what additional budget to grant out of savings, or to give any at all for that matter, I have exercised such discretion with prudence and equity, and I have given the maximum that we could grant to all the Senators concerned.

I stand by the exercise of my sole discretion not to authorize any further releases of ADDITIONAL MOOE last December to the 4 Senators.

It is time to call a spade a spade.

Senators Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano and Antonio Trillanes are supposedly members of the Minority in the Senate. On the other hand, Senator Santiago’s supposed membership in the Majority is questionable, to say the least, as she has publicly and repeatedly denounced and attacked me, just like Sen. Trillanes. She does not consider me a friend and I do not think she considers me as the head of the Senate and that is fine with me.

Yet, masquerading as a member of the Majority, Sen. Santiago continues to hold the chairmanship of the Committee on Constitutional Amendments plus 2 oversight committees with annual budgets of P15M and P 10M.

Sen. Trillanes, despite his move to the Minority, has retained the chairmanship of the Civil Service Committee and of the Oversight Committee on Government Procurement with a budget of P10 Million annually which was just recently increased to P15M.

The Minority Leader, Sen. Alan Cayetano, being an Officer of the Senate, has a bigger budget than the other Senators. He also has a budget as a member of the Commission on Appointments, the chairmanship of the E-Commerce Oversight Committee with an annual budget of P6M, and now a new oversight committee chairmanship (BCDA) which he requested to be created with an annual budget of P10M.

Senator Pia Cayetano chairs the Committee on Health and the Committee on Youth, Women and Family Relations plus the Clean Water Act oversight committee with an annual budget of P10M.

Sen. Joker Arroyo is the only member of the Minority who really and actually acts as a member of the Minority, doing his job at fiscalizing even more than the Minority Floor Leader. He declined to chair any committee, regular or oversight, so unlike the Cayetano siblings.

Regarding the P250,000 checks from my Office which I gave to all the Senators, that was a result of the “lambing” of some Senators who I will no longer name, if I had some “pamasko” for them. I decided to give to ALL, not only to those who were teasing me about “pamasko”, OUT OF MY OWN OFFICE’S SAVINGS, AND NOT FROM THE SENATE PRESIDENT’S DISCRETIONARY FUNDS.

Last Monday, I was told that Sen. Santiago sent me back a check for the same amount of P250,000 with a letter from her Chief of Staff explaining that the check I gave was inadvertently deposited. So Sen. Santiago gave back my gift, as I gave back hers. Fair enough.

The only thing I find humorous about this whole controversy is that I am being accused of “giving”, albeit generously to most, but not as generously to a few…4 to be exact.

Those Senators who think that I am bribing anyone with additional budgets in order to keep my post as Senate President must have a very low opinion about their own colleagues. I was elected as Senate President twice and I can look at anyone straight in the eye in saying that I did not buy this position. Not one single centavo of the people’s money is spent just to enable me to cling to this office.

Each one of us must account to the people how we spend taxpayer’s money as we perform our jobs. I continue to serve solely at the pleasure of the majority of the members of the chamber, and we all owe it to the institution and the people to keep its honor and dignity.

Anti desaparecidos na batas: makabuluhang pamasko ni Pangulong Aquino

A meaningful gift to families of desaparecidos and to the Filipino people.

Malaking bagay na pinirmahan ni Pangulong Aquino ang Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012 noong Biyernes, Disyembre 22, isang araw bago ang deadline.

Kung hindi niya pinirmahan yun, magiging batas rin naman ang bill by default. Ngunit maganda na pinirmahan niya. May tatak na personal siya doon sa batas.

Mag-isang buwan na ang bill na yan sa Malacañang, isang malaking bagay rin na nakarating dun dahil katagal-tagal na yan na i-file. Anim na Congresses na ang nakalipas at ngayon lang naka-usad at nai-pasa sa House of Representatives at sa Senado.

Still searching for Jonas.

Alam naman ng marami na may mga miyembro ng military na humaharang ng batas. Yung military na kumakanlong sa katulad ni Gen. Jovito Palparan, na ngayon ay nagtatago. Yung military na despalinghado ang pag-iisip ng kanilang papel sa bansa. Yung military na akala nila ang solusyon sa walang kapayapaan ay patayin ang inaa-kala nila kalaban.

Sa kanyang pagpirma malapit sa deadline, pwedeng nagbigay na rin si Aquino ng mensahe sa military na alam niya ang kanilang agam-agam at hahanapan ng paraan na magkaroon ng pagkaintindihan ang mga pwersa na ngayon ay magkasalungat ngunit pareho naman ang adhikain: kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

Dahil sa Republic Act No. 10350, krimen na ang pagdukot ng kung sino man ng isang tao at basta na lang i-erase dito sa mundo.

Dati kasi nang wala pa itong batas, kapag dinukot mo ang isang tao, kapag hindi na makita, walang krimen na maisampa sa suspect. Hindi pwedeng murder dahil ano naman ang pruweba ng pagpatay dahil walang katawan?

Sa kaso ng anim na mga trabahador sa PICOP sa Agusan del Sur na nawala at ang sangkot ay miyembro ng military,ang kasong naisampa ay kidnapping. May witness na nakakita ng pagdukot. Hanggang doon lang.

Maraming bagay ang nangyayari sa mundo na hindi makatao. Ngunit ang Enforced Disapperance o sapilitan na pagkawala ay ang pinaka-masakit.

Katulad na lang sa kaso ni Jonas Burgos, ang aktibistang anak ni Jose Burgos na kilalang nanlaban para tayo magkaroon ulit ng kalayaan sa pamamahayag. Ganun din ang kaso nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno ,mga estudyante ng University of the Philippines na basta na lang nawala pagkatapos sila kinuha ng mga suspetsadong mieymbro ng military habang gumagawa sila ng outreach program sa Central Luzon.

Kahit na ilang taon mo na silang hindi nakita, hindi mo basta-basta tatanggapion na patay na sila. Sabi nga ng tatay ni Daryl Fortuna, isa ring estudyanteng desaparecidos, paano mo ipagdiwang ang kanyang birthday?

Kapag All Soul’s Day. Titirik ka ba ng kandila? Saang puntod?

Ang normal na cycle o pag-ikot ng buhay ay ipanganak ang isang tao, mabubuhay, at mamamatay. Hindi ka lang basta mawawala.

Magandang Christmas gift sa mga pamilya ng mga desparecidos at sa sambayanang Pilipino ang pagpirma ni Pangulong Aquino ng batas laban sa Enforced Disappearances.

Maligayang Pasko sa lahat!

Pamasko talaga: Salamat kay Jason Miranda ng Southmall

The incident with my cellphone has become a beautiful Christmas story:

“”Surely goodness and love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever.- Psalms 23.6

Marami pa rin talaga mabubuting tao sa kabila ng maraming kasamaan na nakikita natin sa ating paligid.
Isa na dyan si Jason Miranda,na nasa maintenance ng Southmall sa Las Pinas na nagbalik ng aking Blackberry cellphone noong Miyerkules.

Noong Miyerkules ng hapon, bago mag-alas tres ng hapon, dumaan ako sa supermarket ng Southmall para bumili ng plastic na lalagyan ko ng crema de fruta.Nakalimutan ko kasi ito nang namili ako noong isang linggo.

Doon ko huli ginamit ang aking cellphone. Habang nakapila ako sa cashier, nag-check ako ng mga messages. Mula sa supermarket, pumunta ako sa National Book Store para bumili ng mga libro para sa mga anak ng aking mga pamangkin.

Gusto kong siguraduhin na ang aking mga nabiling libro ay hindi pa nabasa ng mga bata kaya tatawag sana ako sa aking pamangkin. Wala ang cellphone sa aking bag.

Bumalik ako sa supermarket at tinanong ko ang cashier ng counter kung saan ako nagbayad kung may nakitang cellphone. Sabi wala daw.

Medyo na-stress ako ngunit kailangan ko matapos ang aking shopping. Kaya balik ako sa pamimili dahil gusto kong matapos ang shopping ng araw na yun.

Mali ako doon dahil hindi ako pumunta sa Customer Service counter para i-report o magtanong kung may nakakita ng aking cellphone. Baka daw nagpalit ng cashier kaya ang aking tinanungan ay hindi alam.

Pagdating ko sa bahay, nag-post ako sa Facebook na huwag na magpadala ng message sa numero ng aking cellphone dahil nawala. Sinabi ko na na-pickpocket ako. Akala ko kasi ganun ang nangyari.

Ang aking dasal nga, hiniling ko sa Panginoon na kung sino man ang mayhawak ng cellphone ko ngayon, sana huwag niya gamitin sa kasamaan.

Sinabihan ako ni Ace Esmeralda na nasa security business at blogger na si Tonyo Cruz na tunawag sa Globe at ipa-deactivate ang aking nnumero para hindi magamit ng kung sino man ang nakakuha. Ginawa ko yun.

Sabi ng Globe, hindi na ako kailangan magpalit ng cellphone number. Kapag may bago na akong unit, pwedeng i-activate ulit ang aking post-paid na linya. Malaking bagay yun dahil hidi ko na kailangan isa-isahin ipa-alam sa lahat ang aking bagong number.

Ang problema lang ay lamang ng aking phone directory. Ang karamihan doon nakopya ko sa computer ngunit hindi ko na-update.

Noong Biyernes ng umaga, tumawag ang Customer Service ng Southmall at sinabing may nag-turnover ng aking cellphone, mga alas 3 ng hapon. Nakita daw ni Jason Miranda, isa sa mga janitors nila.

Hinintay daw nila na may mag-claim.Meron daw isang nag-claim ngunit hindi masabi ang numero ng cellphone. Impostor yun.

Tiningnan nila ang mga numbers sa aking phone directory at nakuha nila doon ang numero ko sa bahay.

Noong Biyernes, nakuha ko ang aking cellphone pagkatapos ako nagpakita ng dalawang ID at kopya ng aking Globe bill.

Hinanap ko si Jason Miranda para magpasalamat ngunit off na siya. Binalikan ko siya kahapon ngunit day-off naman niya.

Magkikita na rin kami sa susunod na araw dahil gusto ko personal na magpapasalamat sa kanya. Pinatibay niya ang aking paniniwala sa kabutihan ng tao.

Maligayang Pasko sa lahat!

Pamasko talaga: Salamat kay Jason Miranda ng Southmall

The incident with my cellphone has become a beautiful Christmas story:

“”Surely goodness and love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever.- Psalms 23.6

Marami pa rin talaga mabubuting tao sa kabila ng maraming kasamaan na nakikita natin sa ating paligid.

Isa na dyan si Jason Miranda,na nasa maintenance ng Southmall sa Las Pinas na nagbalik ng aking Blackberry cellphone noong Miyerkules.

Noong Miyerkules ng hapon, bago mag-alas tres ng hapon, dumaan ako sa supermarket ng Southmall para bumili ng plastic na lalagyan ko ng crema de fruta.Nakalimutan ko kasi ito nang namili ako noong isang linggo.

Doon ko huli ginamit ang aking cellphone. Habang nakapila ako sa cashier, nag-check ako ng mga messages. Mula sa supermarket, pumunta ako sa National Book Store para bumili ng mga libro para sa mga anak ng aking mga pamangkin.

Gusto kong siguraduhin na ang aking mga nabiling libro ay hindi pa nabasa ng mga bata kaya tatawag sana ako sa aking pamangkin. Wala ang cellphone sa aking bag.

Bumalik ako sa supermarket at tinanong ko ang cashier ng counter kung saan ako nagbayad kung may nakitang cellphone. Sabi wala daw.

Medyo na-stress ako ngunit kailangan ko matapos ang aking shopping. Kaya balik ako sa pamimili dahil gusto kong matapos ang shopping ng araw na yun.

Mali ako doon dahil hindi ako pumunta sa Customer Service counter para i-report o magtanong kung may nakakita ng aking cellphone. Baka daw nagpalit ng cashier kaya ang aking tinanungan ay hindi alam.

Pagdating ko sa bahay, nag-post ako sa Facebook na huwag na magpadala ng message sa numero ng aking cellphone dahil nawala. Sinabi ko na na-pickpocket ako. Akala ko kasi ganun ang nangyari.

Ang aking dasal nga, hiniling ko sa Panginoon na kung sino man ang mayhawak ng cellphone ko ngayon, sana huwag niya gamitin sa kasamaan.

Sinabihan ako ni Ace Esmeralda na nasa security business at blogger na si Tonyo Cruz na tunawag sa Globe at ipa-deactivate ang aking nnumero para hindi magamit ng kung sino man ang nakakuha. Ginawa ko yun.

Sabi ng Globe, hindi na ako kailangan magpalit ng cellphone number. Kapag may bago na akong unit, pwedeng i-activate ulit ang aking post-paid na linya. Malaking bagay yun dahil hidi ko na kailangan isa-isahin ipa-alam sa lahat ang aking bagong number.

Ang problema lang ay ang laman ng aking phone directory. Ang karamihan doon nakopya ko sa computer ngunit hindi ko na-update.

Noong Biyernes ng umaga, tumawag ang Customer Service ng Southmall at sinabing nag-turnover si Jason Miranda, isa sa kanilang mga janitors cellphone, mga alas 3 ng hapon ng Miyerkules. Yun na nga ang cellphone ko.

Hinintay daw nila na may mag-claim.Meron daw isang nag-claim ngunit hindi masabi ang numero ng cellphone. Impostor yun.

Tiningnan nila ang mga numbers sa aking phone directory at nakuha nila doon ang numero ko sa bahay.

Noong Biyernes, nakuha ko ang aking cellphone pagkatapos ako nagpakita ng dalawang ID at kopya ng aking Globe bill.

Hinanap ko si Jason Miranda para magpasalamat ngunit off na siya. Binalikan ko siya kahapon ngunit day-off naman niya.

Magkikita na rin kami sa susunod na araw dahil gusto ko personal na magpapasalamat sa kanya. Pinatibay niya ang aking paniniwala sa kabutihan ng tao.

Maligayang Pasko sa lahat!