Noong Biyernes ng gabi, lumabas si Pangulong Aquino (mga isang linggo din siyang hindi nakikita at naririnig mula nang pumunta siya sa lamay ng 44 na miyembro ng Special Action Force sa Camp Bagong Diwa) at nagsalita sa telebisyon tungkol sa trahedya sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
Pangalawang pagsalita niya ito tungkol sa trahedya na hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ng opisyal kung sino tala ang may responsibilidad. Ngunit sa unit-unting lumalabas na balita, kahit mag-kakaiba nagkakaroon ng ideya ang publiko kung sino-sino ang may pananagutan.
Maliban kay Pangulong Aquino mismo, bilang commander-in-chief at nag-amin na alam niya ang tungkol sa operasyon at ang hepe ng SAF na si Chief Director Getulio Napeñas, may kinalaman din and suspendido na hepe ng Philippine National Police na si Alan Purisima.
Sabi ni Napenas kay Purisima daw siya nagre-report. Itinanggi naman ito ni Purisima.
Akala ng marami, may malaking sasabihin si Aquino na magbigay liwanag sa trahedya kung saan 44 na buhay ng ating pinagamagaling na pulis ang nalagas sa misyon na pagdakip sa dalawang terorista na nasa lugar na sakop ng Moro Islamic Liberation Front.
Ngunit nag inanunsyo ni Aquino ay ang pagbibitiw ni Purisima na sinabi niyang tinanggap niya kahit mabigat sa kanyang kalooban.
Sabi ni Aquino:”Kaya nga po, siguro naman ay maiintindihan ninyo kung bakit masakit para sa akin na aalis siya sa serbisyo sa ilalim ng ganitong pagkakataon. Tinatanggap ko po, effective immediately, ang resignation ni General Purisima. At nagpapasalamat ako sa mahabang panahon ng kanyang paglilingkod bago mangyari ang trahedyang ito.”
Malaki daw ang tulong ni Purisima para mapatay paghuli at pagpatay kay Zulkifli bin Hir alias ”Marwan.” Kaya paslamat tayo kay Purisima?
“Naging malaking bahagi din po ng layunin nating tugisin sina Marwan at Usman ang papel ni General Alan Purisima. Marami siyang iniambag sa mahabang proseso at maraming operasyon na pinlano para dito,” sabi ni Aquino.
Ikinuwento na naman niya ang malalim nilang samahan ni Purisima:“Hindi rin naman po lingid sa kaalaman ng publiko na mahaba ang aming pinagdaanan. Noon pong coup d’etat, o iyong attempted coup d’etat ng 1987, panatag ang loob ko bago kami na-ambush na may sapat na kakayahan ang aming security personnel. Dahil nga po halos naubos ang mga kasamahan ko, nayanig ang aking kompiyansa. Si Alan Purisima po ang nag-design, nagpatupad, nagtrain sa amin ng isang modified VIP protection course; malaki ang naitulong nito sa panunumbalik ng aking kompiyansa. Mula noon, hanggang ngayon, marami kaming pinagdaanan; kasama ko siya sa pakikipagtunggali sa mga makapangyarihang interes na maaari kaming ipahamak. Noong mga panahong bahagi ako ng oposisyon, bagama’t peligroso sa kanyang karera ang pagiging malapit sa akin, hindi po ako iniwan ni Alan.”
Ito ang problema kay Aquino. Madali lumabo ang kanyang paningin sa kapakanan ng bayan kapag kaibigan ang sangkot.
Masama ang loob niya na bitawan si Purisima. Kaya lang sinasabi sa kanya ng mga malapit sa kanya na tumitindi ang galit ng sambayanang Pilipino. Kapag hindi niya bitawan si Purisima, baka pati siya matumba.
Ang hinihintay pa ngayon ng taumbayan ay kung kaya niya manindigan laban sa MILF para Yan pa ang hinihintay ng taumbayan.