Angel tag for my karma

angelbmp.jpg

I would love to share this angel to fellow bloggers who I have been blessed to have met in this virtual world. You have been angels to me even as you have encouraged me in more ways than one. May the Lord continue to bless you even as you have been His channel of blessing to me.

Tag mula kay sis Jen, sino ba naman ako para hindi isnabin ang tag na ito e isa lang naman akong anghel na nagkatawang tao lol!.

Sa balat ng blog maraming anghel na nagkatawang tao ang nakapalibot sa akin. Nandyan ka diba? saka si ano, si ano pa saka siya. Pero kanina dalawang beses kong naalala yung nag-iisang anghel ko, actually hindi anghel ang tawag ko sa kanya e kundi KARMA, huwag mong ng itanong kung bad karma ba yun o good karma basta KARMA.

Basta ito ang sinabi ko sa kanya noong pitong taon pa lang siya tamang-tama na malapit ko na siyang iwan (papunta ako ng Singapore noon) “Anak ang aga ko namang binalikan ng karma!” Matigas kasi ang ulo e saka makulit. Ang sarap kurutin sa singit. Minsan inispin ko ng tsinelas yun sa may kalsada, buti na lang magaling umilag.

Tamang dalawang araw pagkatapos ko siyang inire, lumabas kami ng ospital at tinawag ko siyang Aya, pagdating sa bahay syempre itatanong ng mga kapitbahay kung ano pangalan sabi ko “Aya”. Ang sagot noong batang kapitbahay “Ay! Aya Medel.”

“Sinoooo yun?”

“Yung bold star, ayun o kumakanta sa tv.”

“Ngeksssss!!” ako habang umiiling. “Hindi no, ipinangalan ko to doon sa bagong singer sa US, si Shania twain. Hindi mo kilala yun kasi engot ka e. Shanaya pangalan ng anak ko ha, S-H-A-N-A-Y-A.”

Hehehe, teka don’t get me wrong. Nagagandahan ako kay Aya Medel. Simple lang ang mukha niya pero maganda, nagkataon lang na hindi ko siya kilala noong lumabas ako sa ospital pagkapanganak ko sa karma ko, saka kay Shania Twain ko talaga siya ipinangalan.

Pero hindi kanta ng singer na yun ang kinakanta ko sa kanya noong mga unang araw niya. Habang ni-nanurse ko siya kinakabisado ko yung Truly, Madly, Deeply ng Savage Garden. At kanina nga pinapatugtog sa radyo ang kantang iyon, naisip ko parang kailan lang noong bago bago pa lang siya pumapailanlang sa ere. Mag lalabing isang taon na pala iyon. Baby pa ako noon. At ang baby noon e may karga-kargang baby. Si baby Aya. Ang aking anghel. Ang aking karma. Huwag mo ng itanong kung bad karma ba yun o good karma. Ako na lang ang nakaka-alam nun.

Ang karma ko este ang angel ko gusto mong makita?

(more…)

Leave a Reply