Magtanim, matigok o magblog(ulit ng paulit-ulit)

13 readers ngayong araw na to (na dati`y umaabot ng 64 to 200 -salamat sa entrecard- readers), napakamot ako sa baba ko. Pagkatapos akong maexcite sa testimonyal sa kin ni Rino Facebook biglang nangatog ang tuhod ko at nag isip na malamang sa hindi ang blog na ito e unti-unting mamamatay.

Hehehe, syempre charing ko lang yun. Eksaherasyon.  Pero kapag hindi ako tumino tino, kapag sa tingin ko e masyado na kong nahuhumaling sa pagtatanim at pangangarap na magkaroon ng isang mansyon sa Farm Town, malamang sa hindi, tigok ang blog na to.  Uso pa man din ang tigukan.

Hindeeeeeeeeeeee!!  Ayokooooooooooooooo!!

Leave a Reply