SONA sa Lansangan

By Jil Danielle Caro, Ehcel Hurna, and Davinci Maru

Libu-libong manggagawa, mangingisda, magsasaka, katutubo, estudyante, guro, at iba pang sektor ng lipunan ang nakilahok sa pagkilos para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni pangulong Rodrigo Duterte. Inihain namin ang mga katanungang ito: una, ano ang inaasahan mo sa administrasyong Duterte; pangalawa, ano ang mga suliranin na agarang dapat masolusyonan, at ang huli, ano ang mensahe mo sa bagong pangulo. Ito ang kanilang mga naging kasagutan.

IPs

“Kung pwedeng matulungan niya kami dahil sa mahirap kami. Nagtatanim nalang kami ng kamote para may pangkain.” -Carmelita Dela Cruz, Esther Garcia, and Maria Provo, Aetas of Tarlac province

Jenilyn Manzon

“Marami po ang inaasahan naming mga mag-aaral sa kasalukuyang administrasyon. Isa na po dito ang libreng edukasyon na dapat matamasa ng bawat kabataang Pilipino. Hindi lamang po ito dapat maging isang prebilehiyo, kundi dapat po ay isa itong maging karapatan.” – Jenilyn Manzon, college student of PUP Sta. Mesa and president of Ugnayan ng Talino at Kagalingan

Domingo Bul-ul

“Yung Mindanao, specifically South Cotabato, ay talaga pong amin po iyon. Pero parang alien kami sa aming lugar. Dapat po tuparin yung mga sinabi niya pertaining to the IPs. Tulungan niya ang mga tribo. We are far behind. Malayong-malayo kami sa lipunan. Kaya kami sumama dito, ipapaabot namin sa presidente na kailangan namin ang tunay na demokrasya.” – Domingo Bul-ul of T’boli Tribe in South Cotabato

Elizabeth Penaverde

“Presidente, thank you, thank you very much sa ginagawa mo sa ating bansa. Napakaswerte namin. Siguro ito na kasi nag-pray ako kay God na bigyan kami ng presidente na magkakaroon ng changes sa bansa natin. Siguro ito na ang hulog ng langit.” – Elizabeth Peñaverde, teacher and property custodian of Antonio J. Villegas Vocational High School

Renato Cada

“Malaki ang inaasahan ko sa bagong pangulo natin sa usapin ng pag-minimize ng kriminalidad lalo na ang drugs at corruption. Krimen din ang corruption.” – Renato Cada of COURAGE, KASAMA KA Quezon City

Rachelle Lisora

“Ang isyu na dapat masolusyonan sa amin ay ‘yung ibinibintang ng mga paramilitar sa amin na kami raw ay mga supporter ng NPA pero hindi yan ang totoo. Ginagawa nila yan para masira ang aming kinabukasan at hindi na po kami makapagpatuloy sa aming pag-aaral para po madali nilang maagaw ang aming lupang ninuno.” – Rachelle Lisora, high school student of Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) in Surigao del Sur

Gerry Rivera

“Inaasahan namin na mawala na nang tuluyan ang contractual employment. Sa hanay naming mga manggagawa, ang human rights, kasama ang workers’ rights diyan. Ang regular na trabaho, this would be in line with the constitutional provision guaranteeing the workers of security of tenure. Ito ang gusto naming magawa na niya agad.” – Gerry Rivera, president of Philippine Airlines Employees Association (PALEA)

Raoul Manuel

“Inaasahan ko sa kasalukuyang administrasyon ni Duterte ay makinig sa hinaing ng mamamayang Pilipino. Nanalo siya sa pagiging presidente sapagkat sawa na yung mamamayang Pilipino sa kahirapan at pambubusabos na ginawa ng nakaraang administrasyon.” – Raoul Manuel, incoming Student Regent of UP System and first UP Visayas Summa Cum Laude

Camille Mones

“Inaasahan ko na mabawasan ang pagiging mahal ng bilihin dahil napakahirap ng buhay ngayon.” – Camille Mones, vendor

Jason Versola

“Meron akong tatlong punto na kailangang bigyang pansin: Una, sa usapin ng kawalan ng lupa sa mga magsasaka, ikalawa yung usapin ng karapatan ng mga manggagawa ‘yung laban sa kontraktwalisasyon, at ikatlo ‘yung usapin ng mga indigenous people na patuloy na napapalayas sa kanilang mga lupain dahil sa mapanirang pagmimina at pagtotroso.” – Jason Versola, college representative of UP Diliman

Vicente Alban

“Sa bahagi ng League of Urban Poor for Action, ay meron naman kaming malinaw na batayan kung bakit dapat ang gobyerno ay umaksyon para sa kagalingan ng mamamayan. Lalong lalo pa at ang gobyernong ito ay lumagda sa mga kasunduan, sa international at sa ating konstitusyon, na kung saan dapat ang estado ay magsagawa ng kaukulang pabahay sa kanyang mamamayan na makatao, may hanapbuhay, may kumpletong pasilidad at maayos na mga basic services.” – Vicente Alban, chairman of League of Urban Poor for Action NCR