Panibagong Simula

Ano daw?

Eto na siguro ang magiging panibagong bahay ko sa blogosphere. Medyo magulo ang utak ko at marami akong plano pero ang lahat ng iyon ay plano lang. Plano para sa blog na eto, plano para sa mga lumang blog, at plano para sa bagong blog. Nalilito na ako sa dami at hindi ko na alam kung saan sisimulan.

Etong entry kong ‘to ay hindi update lang. Medyo magfofocus ako sa sa topic na nararanasan ng bawat nilalang, ang life after death pero joke lang yan. Life after graduation at ang quarter life crisis pati narin ang personal development ang magiging topic ko dito. Syempre makakabasa kayo ng mala-magpakailanman at maalala mo kaya entries pero syempre hindi na babasahin ni Mel at ate Charo.

Anyhoo, mabalik ako sa pamagat ng entry ko. Panibagong Simula. Tama ba? Dumarating tayo sa punta ng ating buhay na pakiramdam natin ang dami na nating nagawang mali, mga desisyon na nakapagpabago sa ating buhay. At minsan sa mga pagbabagong eto naiisip natin sana hindi na lang natin ginawa yon. Minsan naman nahihirapan tayong makapagsimula dahil sa mga nangyari. Hindi naman kayo nag-iisa dahil sa ngayon nasa gitna ako ng ganyang karanasan.

Gusto ko makapagsimula, iwan ang nakaraan at tanawin yong bukas. Naisip ko lang kasi na wala namang mangyayari kung babalik-balikan ko yong nakaraan. Malulungkot lang ako at madedepress. Why not look beyond tomorrow at magmove-on.

Move on daw. Madalas ko etong naririnig na payo ng mga kaibigan para sa mga kaibigang bigo. Applicable din ito sa lahat. Sometimes we make mistakes and because of that mistake we fall down and suffer. It’s hard to move on but we must and start something new. Leave the past and believe that everything will be fine.

Panibagong simula. Isang taon ang nakalipas nang umakyat ako ng entamblado at kunin ang diploma. Napakasaya ng experience na yon at hanggang ngayon fresh na fresh pa sa utak ko ang lahat. After thinking of that moment, parang naiiyak ako at nalulungkot. The feeling of being left behind, yong bang mga kasabayan mong nagmarcha malalayo na ang nararating pero ikaw nandoon parin sa lugar kung saan kayo naghiwa-hiwalay. Nakakalungkot pero madalas etong nangyayari.

Sa isang taong nakalipas, marami akong natutunan. Natuto akong maging pasensyoso, isang taon ba naman. Marami rin akong narealize. Narealize ko na walang ibang makakapagdecide para sayo kundi sarili mo lang. Wala na akong mapanghahawakan pang iba bukod dito, pero alam ko kahit paano magagamit ko eto para makapagsimula ng panibagong yugto sa aking buhay.

Leave a Reply